-- Advertisements --
DAGUPAN, CITY – Nilagdaan ng provincial government ng Pangasinan at DOH Region 1 Medical Center ang Deployment of Medical Specialists ang isang Memorandum of Agreement para tutukan ang aspetong pangkalusugan sa probinsya.
Ang naturang MOA ay nilagdaan nina Governor Ramon Mon-Mon Guico III at Dr Roland Mejia, ang siyang director ng Region 1 Medical Center o R1MC.
Ito ay maglaan ng mga espesyalistang doctor sa labing apat na pagamutan sa ilalim ng pamamalakad ng lalawigan, at mabigyan ng sapat na atensyon medikal ang mga pasyente.
Kasama sa naturang MOA signing si Board Member Dra. Sheila Baniqued at R1MC Chief Administrative Officer na si Ruel Raymund Malubag.