Nakatakdang magsagawa ng papupulong ang provincial bus operators at iba pang partidong apektado ng ipinatutupad na Window Hour Scheme sa May 19 dakong alas-2 ng hapon. n
Ito ay upang talakayin ng mga kinauukulan na tiyak na masusunod ang inilabas na Injuction Order ni Quezon City – Regional Trial Court (QC-RTC) o ang pansamantalang pagpapaliban sa kautusan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) noong 2019 na nagbabawal sa mga provincial bus na gumamit ng kanilang mga private terminal sa EDSA na muling ipinatupad ngayon sa ilalim ng Window Hour Scheme.
Ayon kasi sa QC-RTC, noong panahon ng pandemya ay maaaring ipatupad na IATF Resolution 101 noong February 26, 2021 na nag-uutos sa lahat ng mga provincial bus sa NCR na magbaba at magsakay lamang sa Integrated Terminal Exchange.
Pero binigyang diin nito ang inilabas na resolusyon ng IATF noong March 10 na nagsasabing hindi na required pa ang paggamit ng Integrated Terminal Exchange ngayong nasa Alert Level 1 na ang buong rehiyon.
Dahil jan ay susubukan naman ng mga provincial bus operator na muling ibalik sa dati ang orihinal na schedule ng operasyon ng kanilang mga bus.
Samantala, sa ngayon ay “no comment” muna si MMDA Romando Artes hinggil dito dahil pag-aaral daw muna nila ang naturang court order at kokonsulta sa office of the solicitor general na kinatawan nila sa naturang kaso.