-- Advertisements --

Ipinag-utos ng Regional Joint Security Control Center sa central Visayas ang pagpapatupad ng curfew sa buong probinsya sa Negros Oriental.

Batay sa inilabas na resolusyon ng Commission on Elections-7, ipapataw ang curfew sa alas-10 ng gabi ngayong Oktubre 28 hanggang alas-4 ng umaga ng Oktubre 29 at alas-10 ng gabi ng Oktubre 29 hanggang alas-4 ng umaga ng Oktubre 30.

Layun pa ng curfew ay para ng mapigilan ang pagbili ng boto, mga pagbabanta, pananakot at karahasan laban sa mga botante, kandidato, at manggagawa sa halalan.

Exempted naman sa resolusyong ito ang mga nagtatrabaho sa mga business process outsourcing companies, sektor ng kalusugan, at ang mga negosyong may kaugnayan sa paghahatid ng mga kalakal.

Ang sinumang lalabag ay ikukulong sa tagal ng oras ng curfew at makakalabas lamang pagpatak ng alas 5 kinaumagahan.