-- Advertisements --

Inaprubahan na ng House committee on appropriations ang proposed P686.11 billion budget ng DPWH para sa susunod na taon.

Inabot lamang ng halos dalawang oras ang pagdinig ng komite sa budget ng kagawaran.

Tanging ang mga miyembro lamang ng Makabayan bloc ang nagtanong sa mga opisyal ng DPWH, kabilang na ang P10.3 billion contingent fund na ibinigay sa kagawaqran at suspension ng mahigit P4.2 billion para sa infrastructure projects ng Commission on Audit pati na rin ang mahigit P600 million na advances sa mga kuwestiyunableng contractors.

Karamihan sa mga kongresistang nagpalista para sa interpellation ay ginamit ang kanilang oras para magpahayag ng suporta para sa proposed budget ng DPWH.