Nakahanda umano ang mga proponent ng Anti-Terror Act of 2020 na ipagtanggol sa Korte Surema ang constitutionality ng kanilang bill na naging ganap nang batas.
Una rito, isang grupo na agad ang naghain ng petition for TRO laban sa nilagdaan pa lang ni PRRD na RA 11479.
Ayon kay Senate President Tito Sotto, kalayaan ng sinuman na kwestyunin ang isang batas, ngunit tiwala sila na papaburan ng mga mahistrado.
Ayon naman kay Sen. Panfilo Lacson, sapat ang safeguards ng bagong batas para hindi ito maabuso, kaya wala silang nakikitang rason para ibasura ito ng kataas-taasang hukuman, lalo’t hindi pa nasisimulang ipatupad.
“Napakaraming safeguards, sobra-sobra pa. (10 years imprisonment for failure to report to CHR and nearest court; wiretapping judicial authorization elevated to CA; emphasized at PNP command conference that if they violate, makukulong 10 taon, dismissal from service, forfeited ang benefits and perpetual disqualification from public office, pls see earlier interviews). Pag sila pa naman di nag-ingat nang ganoon, ewan ko na kung ano nasa isip nila. Doble na sweldo nila. At retirement benefits tinaasan ni PRRD. Kung di nila mahal ang kanilang serbisyo ipagpapalit nila sa kanilang overeagerness manghuli ng suspected terrorists at di sila mag-report agad sa huwes o kaya mag-illegal wiretap sila yan ang kahihinatnan nila. Kulong sila 10 taon, tanggal lahat na benepisyo. Ito safeguards para mag-ingat pulis natin sa pag-handle ng suspected terrorists,” wika ni Lacson.
Pero hindi na nagtaka si Lacson sa paglitaw ng mga tutol sa batas, dahil noon pa man ay may mga umaangal na rito, kahit hindi pa nababasa ang bill.










