-- Advertisements --
image 35

Sumampa sa 92 kandidato sa Barangay at SK elections ang ipinagpaliban ang proklamasyon dahil sa kanilang nakabinbing mga kaso base sa latest data ng Commission on Elections (Comelec).

Kaugnay nito, ngayong araw, ipinag-utos ng poll body ang suspensiyon ng proklamasyon ng 253 kandidato ng lokal na halalan kung saan tanging 92 ang nanalo habang 106 naman dito ang natalo.

Una na ngang nagpasa ang poll body ng isang resolution ilang araw bago pa man idaos ang BSKE para sa suspensiyon ng poklamasyon ng mga nanalo sa lokal na halalan na nahaharap sa anulang petisyon gaya ng petition to deny due course, petition para ideklarang nuisance candidate at petition para sa diskwalipikasyon.