-- Advertisements --
image 258

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na isusulong nito ang isang programa na makatutulong sa mga magsasaka sa aspeto ng financial support.

Ayon sa Pangulo, ito ay sa pamamagitan ng pagpapabilis sa loan financing program para sa mga Filipino farmers.

Bukod pa dito, sabi ng Chief Executive, ang subsidy program na tiyak din aniyang pakikinabangan ng mga magsasaka.

Ang nasabing programa ay isinusulong ng Pangulo kasabay ng ginawang pag-aapruba para sa produksyon ng hybrid rice na naglalayong mapataas ang crop production sa bansa.

Kamakalawa ay nakipagpulong ang Pangulo sa mga magsasaka ng Central Luzon at kasama din sa meeting ang isang pribadong kumpanya na nasa linya ng research, development, production at distribution ng hybrid rice seeds.