-- Advertisements --

Nanawagan si House Ways and Means Chair at Albay, 2nd district Representative Joey Salceda sa sa Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Agriculture (DA) na makipag-ugnayan sa canned fish sector kaugnay sa mga alalahanin sa suplay, lalo na sa sardinas kasunod sa pagsasara ng panahon ng pangingisda sa bahagi ng Zamboanga Peninsula, na taun-taon nangyayari mula Disyembre 1 hanggang Pebrero. 28.

Layon ng close season na makapagparami ng mga isda na siyang ginagamit sa sardinas at matiyak na walang kakulangan ng de-latang sardinas sa susunod na panahon.

Sa ngayon sinabi ni Salceda, na nananatiling manageable ang antas ng supply levels sa sardinas dahil naabot ng industriya ang 75,000 metrikong toneladang kinakailangan nitong iimbak sa panahon ng saradong panahon.

“ There remain underlying issues, like the Suggested Retail Price being below the cost at which some of the canners produce. With marketing costs, the price is P20, which is above the P18 SRP,” wika ni Cong. Salceda.

Inihayag ng house tax chief na ang nakikita nitong resulta ay ang kakulangan ng supply sa ilang brands ng sardinas sa supermarkets dahil ang mga manufacturers ay nais laktawan ang shelf-space fees sa supermarkets.

Dahil dito, nananawagan si Salceda sa DTI at DA na makipag-usap sa industriya at sa maliliit na manlalaro at stakeholder sa lalong madaling panahon, upang maiwasan ang potensyal na problemang maidulot nito sa hinaharap.

“We also need to strengthen collaboration with alternative fish sources, such as Papua New Guinea, which is one of our biggest sources of sardines,” dagdag pa ni Salceda.

Kailangan din ang higit pang aquaculture at pataasin ng bansa ang pagkumpleto ng 54 na batas na hatchery kung saan tatlo lamang dito ang natapos.

“We need to ramp up aquaculture. We source only 52% of our fish supply from aquaculture, and rely on capture for the rest. We can amp that up. I am already working with the Bureau of Fisheries and Aquatic Resources so they can finish up more hatcheries this year,” wika ni Salceda.

Binigyang-diin pa ng economist solon, “For sardines, mariculture is the key. Portugal – arguably the country best known for sardines – is already doing it, backed by solid research. So, BFAR needs a very strong research and development component as well.”