-- Advertisements --
Screenshot 2020 06 06 13 09 13

CEBU CITY – Dismayado ang administrasyon ng University of the Philippines-Cebu Campus (UP-Cebu) lalo na ang kanilang Chancellor na si Liza Corro sa naging askyon ng pulisya kung saan inaresto nito ang mga nagsagawa ng kilos protesta sa Anti-Terrorism Bill sa harapan ng kanilang Campus.

Aniya, pUwersahan umanong pinasok ng mga pulis ang campus at pinagdadampot ang walong indibwal.

Ipa-iimbestiga ng UP-Cebu ang ligal na basehan sa paglabag nga mga pulis sa 1989 UP-DND Peace Accord na nagsasabing walang sino mang miyembro ng pulis ang magsasagawa ng operasyon sa loob ng UP Campus lalo nang kung walang pahintulot ng UP administration.

Ayon sa UP na walang isa sa mga pulis ang nakipag-cooperate sa kanila upang maging matiwasay ang pagpapahinto ng isinagawang kilos protesta.

Dumipensa naman si Police Regional Office Region 7 (PRO-7) Police Brig. Gen. Albert Ignatius Ferro na isang lawful arrest ang ginawa ng pulisya laban sa mga nagsagawa ng kilos protesta.

Screenshot 2020 06 06 13 08 41

Sinabi nitong sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act of 2020, hindi maaaring magsagawa ng ano mang mass gathering, bagay na nilabag ng mga raliyista.

Dagdag pa ni General Ferro na umano’y pinakiusapan muna ng pulisya ang mga raliyista na mag-disperse, ngunit imbes na huminto ay ipinagpatulot pa rin ang kanilang aktibidad.

Paliwanag din ng heneral na ang isinagawang pwersahang pagpasok sa UP-Cebu ay isang hot-pursuit operation matapos pumasok sa loob ng campus ang mga nagsagawa ng kilos protesta.

Ang pagtakbo umano ng mga raliyista ay nagpahiwatig lang ng kaduwagan at iresponsableng aksiyon sa pamamagitan ng pag-abuso ng 1989 UP-DND Peace Accord.

Binigyang-diin ni Ferro na may posibilidad na asymptomatic sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang mga nag-rally at maaaring na-contaminate nito ang campus kaya nila ito inaresto.