Ilang private schools na sa bansa ang nagsabi na itutuloy nila ang kanilang online classes sa kabila ng surge ngayon sa COVID-19 cases at sa banta ng Delta variant.
Ayon kay Private Educational Associations of the Philippines (COCOPEA) Chair Dr. Anthony Tamayo, nagkasundo sila na ang kaligtasan ng mga estudyante at stakeholders ang pinamakahalaga sa kanila sa panahon ngayon n gpandemya.
Ang mga paaralan na bahagi aniya ng COCOPEA ay nagsusumikap ngayon sa pagpapabuti ng kanilang online infrastructure para matiyak na seamless ang kanilang online classes para sa nalalapit na pasukan.
Magugunita na sa ngayon, ang Metro Manila kasama ang iba pang mga highly-populated areas sa bansa ay nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) dahil sa pagtaas ng COVID-19 infections.
Para sa school year 2021-2022, sinabi ng Department of Education kamakailan na mananatili pa rin ang distance learning methods.