-- Advertisements --
Nakaligtas ang mga crew members ng singer na si Pink matapos na nasunog ang sinakyang nilang private plane habang ito ay papalapag sa Oslo, Norway.
Ayon sa Danish police, naganap ang aksidente habang papalapag na ang eroplano sa Aarhus airport.
Ligtas na nakalabas ang 10 pasahero nito na pawang mga crew members ng singer.
Magsasagawa kasi ng concert si Pink sa Horsen, Denmark.
Galing sa Oslo, Norway ang eroplano kung saan naunang nag-concert ang singer.
Ilan sa mga pinasikat na kanta nito ay ang ‘Just Give Me A Reason’, ‘What About US’ at maraming iba pa.