Kinumpirma ni Priscilla Meirelles, Miss Earth 2004, na siya at ang actor na si John Estrada ay divorce na, isang taon matapos niyang unang ipahayag ang kanilang hiwalayan.
Ayon sa isang panayam kay Boy Abunda noong Pebrero 13, sinabi ni Priscilla na natagpuan niya na ang kapayapaan at kaligayahan sa kanyang buhay, at handa na siyang isara ang kabanata ng kanilang relasyon.
“A lot of things have changed. I’ve regained my peace of mind, yung happiness ko is back. And I am so confident about so many things. I really feel bagong taon, bagong buhay ko,” ani Priscilla.
Ipinahayag niya na nagsampa siya ng divorce sa Brazil noong 2024, bago pa man siya nagbigay ng panayam noong 2025 kung saan sinabi niyang legal pa rin silang mag-asawa noon.
Ayon kay Priscilla, dumating ang desisyon matapos niyang mapagtanto na wala nang hinaharap ang kanilang pagsasama.
“For me, the marriage is no longer valid. I don’t see myself sharing a life with that person anymore. I fought for 14 years, at dumating ako sa punto na hindi ko na kaya. Napagtanto ko na ang pinakamainam para sa akin ay mag-move forward mag-isa.”
Ibinahagi rin niya ang naging reaksyon ni John, na hindi natuwa sa kanyang desisyon.
“He was not happy. Ang unang sinabi niya ay, ‘Pri, bakit ginawa mo ‘yan?’ Sinabi ko sa kaniya na hindi ko na nakikita ang kinabukasan namin bilang mag-asawa,” ani Priscilla sa Ingles.
Ipinaliwanag niya na ikinasal siya kay John noon dahil naniniwala siya sa pagtatayo ng buhay kasama ang kaniya.
“I got married to him because I saw a future. Gusto kong bumuo ng buhay kasama siya. At ginawa rin namin iyon sa isang bahagi ng aming buhay. Pero maraming nangyari at hindi na magkatugma ang aming mga interes, values, at pangarap,” paliwanag pa ni Meirelles.
Ayon sa kanya, sinubukan nilang ayusin ang relasyon sa tulong ng psychiatrist at pagdalo sa simbahan, ngunit hindi aniya ito gumana.
“His mindset was different. I wanted to save my family, at siya ay mas pinili ang mag-enjoy mag-isa.”
Binanggit ni Priscilla na ginawa niya ang desisyon hindi lamang para sa kanyang sarili kundi para rin sa kanilang anak na babae, na si Samantha Anechka.
“At the end of the day, we both loved her. Gusto kong maging magandang halimbawa sa anak ko,” ani Priscilla.
Biro pa ni Priscilla tungkol sa ibang mga taong naging bahagi sa pagkasira ng kanilang relasyon, ngunit nilinaw niyang hindi ito nag-iisang dahilan ng kanilang paghihiwalay.
“Madami sila eh. Hindi lang third… Buong barangay,” sabi niya.













