Humingi ng paumanhin si Catherine ang Princess of Wales sa inilabas na edited official phototgraph ilang buwan matapos na siya ay maoperahan.
Sinabi nito na sinubukan lamang niyang mag-experiment sa photo editing na ilalabas ng Kensington Palace.
Ang nasabing larawan kasi na inilabas noong Linggo ay kasabay ng padiriwang ng Mother’s Day sa United Kingdom na siyang unang opisyal na larawan ni Kate mula ng sumailalim sia sa abdominal surgery nitong Enero.
Ilang oras na mailabas ang larawan ay nag-isyu ng “kill notices” ang apat na pangunahing photo agencies na ikinabahala nila nito ay malinaw na edited.
Ayon sa mga photo agencies na makikita sa ebedensiya ng manipulations kabilang ang sleeve cuff ni Princess Charlotte at ang zipper sa kaliwang kamay na bahagi ng jacket ni Princess of Wales.