-- Advertisements --

Pinasalamatan nina Prince William at asawang si Kate ang publiko dahil sa mga pagbati sa kaarawan ng anak nilang si Louis.

Nagdiwang kasi nitong Martes ng ika-anim na kaarawan ng bunsong anak ng dalawa.

Ibinahagi rin ng dalawa sa social media ang mga larawan ng kanilang anak.

Si Prince Louis ang pinakabatang anak ng dalawa na una ay si George na may edad 10 at Charlotte na magdiriwang ng ika-siyam na kaarawan sa susunod na buwan.