-- Advertisements --

Nagbitiw sa kaniyang puwesto ang prime minister ng Mongolia dahil sa magarbong pamumuhay ng anak.

Si Luvsannamsrain Oyun-Erdene ay nagpasya na bumaba sa puwesto matapos ang pagkalat ng larawan at video ng anak nito ng lalaki na namumuhay ng magarbo.

Sa mga larawan ay ipinakita ang mga pag-shopping ng anak kasama ang nobya sa kanilang engagement holiday.

Dahil dito ay bumuhos ang batikos mula sa mga kritiko at sinabing walang kakayaha ang mga ito na makabili ng mga mamahaling gamit kung wala sila puwesto.

Maraming prostesters ang nagtipon-tipon sa lansangan para ipinawagan ang pagbibitiw ni Oyun-Erdene.

Itinanggi naman ni Oyun-Erdene ang nasabing alegasyon at sinabing ito ay paninira lamang sa kaniya.

Dahil sa insiente ay nagbotohan ang mga miyembro ng parliamento at nagpasya sila na mapatalsik si Oyun-Erdene.