-- Advertisements --

Bumalik umano ang malaking posibilidad na bumaba ang presyo ng lahat ng produktong petrolyo sa mga susunod na linggo.

Ayon kay Atty. Rino Abad, Department of Energy-Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB) director, yan ay matapos ang resulta ng unang araw ng kalakalan kahapon na nagpakita ng positibong development.

Kasunod na rin ito ng inanunsyong pagwawakas ng giyera sa Middle East sa pagitan ng Amerika at Iran.

Sa kabila naman ng pagwawakas ng giyera at muling pagbubukas ng Strait of Hormuz, sinabi ni Abad na posibleng sa Enero pa ng susunod na taon maramdaman ang pagbabalik sa normal ng supply ng langis.

Kailangan pa kasing makumpuni ang mga nasirang pasilidad upang maibalik ang 21 million barrels ng langis na lumalabas sa Persian Gulf kada araw.

Naka-monitor naman ang pamahalaan sa iba pang factors na maaaring makaapekto sa pagbabago ng presyo ng mga produktong petrolyo.