-- Advertisements --
Muling magkakaroon ng magkakaibang galaw sa presyo ng produktong petrolyo sa unang linggo ng Hunyo, ayon sa Department of Energy (DOE) nitong Biyernes, Mayo 30, 2025.
Ayon kay Assistant Director III Rodela Romero ng Oil Industry Management Bureau, batay sa apat na araw ng trading ng Mean of Platts Singapore, posibleng ipatupad sa Hunyo 3 ang sumusunod na adjustments:
- Gasolina: Walang mga pagbabago o posibleng tumaas ng hanggang P0.40 kada litro
- Diesel: Maaaring mag-bawas ng P0.20 o posibleng mag-dagdag ng P0.30 kada litro
- Kerosene: Walang pagbabago o maaring mag-bawas ng P0.10 kada litro
Kabilang sa nakaaapekto sa presyo ng langis ay ang posibilidad ng panibagong sanctions ng Estados Unidos laban sa Russia, pagluwag ng tariff concerns sa pagitan ng US at European Union, tumitinding tensyon sa pagitan ng Ukraine at Russia, Israel at Iran, at ang nagpapatuloy na nuclear talks sa pagitan ng US at Iran.