-- Advertisements --
paputok - firecrackers

Pumalo na raw sa 100 percent ang itinaas ng presyo ng ilang fireworks at pyrotechnics sa manufacturing hub ng Bocaue sa Bulacan.

Ayon kay Pyrotechnics Manufacturers and Dealers Association (PPMDAI) President Lea Alapide, ang ilan daw sa mga produkto gaya ng kwitis at baby rockets ay tumaas din ang presyo nang hanggang sa 75 percent.

Sinabi ni Alapide na pangunahing rason sa pagtaas ng presyo ng mga paputok at pailaw ay dahil sa nagtaasang presyo ng inputs gaya ng imported chemicals.

Kabilang na rin dito ang surging costs ng fuel at iba pang firecracker ingredients na siyang naging dahilan ng manufacturing cuts at mas mababang inventories sa local shops.

Sa kabila nito, limitado pa rin daw ang stocks ng fireworks at pyrotechnics para matugunan ang demand ng mga mamimili.

Isa rin sa nakikitang rason sa pagbaba na ng mga tumatangkilik sa kanilang produkto ay ang mas mahigpit na kompetisyon mula sa mga online sellers.

Dahil dito, humirit na raw ang kanilang grupo sa pamahalaan na i-clamp down ang mga ganitong uri ng transaksiyon lalo na ang mga online fireworks sellers na hindi lisensiyado at hindi nakakasunod sa government safety regulations.

Inihirit din ni Alapide ang patuloy na crackdown ng mga illegal fireworks manufacturing shops matapos ang isinagawang raid sa Bulacan at Cavite.

Sa kabilang naman ng mga hamon sa nakalipas na tatlong taon sa naturang industriya dahil sa Coronavirus disease 2019 pandemic, umaasa si Alapide na muling manunumbalik ang naturang negosyo lalo na’t marami rin ang naapektuhan nito sa kasagsagan ng pandemic.

Mayroon din kasing hakbang ang pamahalaan na i-ban o limitahan ang paggamit ng fireworks.

Hiniling na rin umano ng grupo ni Alapide sa gobyerno na payagan ang pagpasok ng mga bagong players sa naturang industriya para hindi na mahikayat ang iba sa fly by night operations.