Bubuksan na sa publiko simula ngayong araw ang Presidential museum sa loob ng The Mansion House, ang official residence ng Pangulo ng Republika ng Pilipinas sa Baguio City.
Ito’y matapos mapagdesisyunan ni First Lady Liza Marcos na buksan ito sa publiko bilang tourist attraction dahil hindi naman nagagamit ang nasabing mansiyon.
Pinangunahan ngayong araw ng Unang Ginang ang opening ceremony ng Presidential Museum.
Ayon kay Palace Social Secretary Bianca Zobel, nais ng First Lady ipakita sa mga taga norte ang Malacanang heritage mansion ng sa gayon magkaroon ng access at kaalaman ang publiko.
Simula ngayong araw bukas sa publiko ang museo, subalit sarado ito tuwing Lunes.
Bukas ang museo ng Martes hanggang sa Linggo mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.
Sinabi ni Zobel na napansin kasi nila na nasa 500 hanggang 2,000 turista ang nagtutungo duon kaya binuksan na ito para sa publiko.
Maari aniya mag book para magkaroon ng tour sa pamamagitan ng kanilang Facebook, Instagram account at maging sa kanilang website.
Payo ni Zobel sa publiko na dapat mayruong appointment dahil may mga rules at polisiya silang ipatutupad.
Aniya 30 minuto lamang papayagan ang mga turista sa loob ng museum ito ay maprotektahan din ang mga artifacts.
Samantala, ayon naman kay Erick Zerrudo ang mansion ay itinatag nuong panahon ng mga Amerikano nuong 1900s.
Dahil nuong panahon umano ng mga Kastila ay wala talaga nakaka-akyat sa Cordillera.
Dagdag pa ni Zerrudo hindi lahat ng Pangulo ng bansa ang tumira sa The Mansion.