Nakikitang sagot ni House Committee on Public Accounts chairman Florida Robes ang pagkakaroon ng pre-audit system sa disbursement ng pondo para maiwasan ang anumang kontrobersiya sa findings ng Commission on Audit (COA) sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.
Maaring mahaba ang prosesong ito pero nakikita niyang makakatulong ito para maiwasan ang anumang pagkuwestiyon sa disbursement at paggamit ng kaban ng bayan.
Magkakaroon kasi ng pre-audit bago pa man ilabas ang pondo para sa isang proyekto, na ayon kay Robes ay magbibigay din proteksyon sa kredibilidad ng iba’t ibang institusyon pati na rin sa mga ospisyal ng pamahalaan.
Sa ilalim ng isinusulong niyang House Bill No. 7124, sakop ng mandatory pre-audit ang lahat ng public funds na gagamitin sa infrastructure projects, procurment ng mga goods at consulting servicesng anumang branch, tanggapan ng ahensya o anumang kaugnay sa gobyerno tulad ng state universities and colleges, GOCCs, government financila institutions at local government units.
Para maiwasan naman ang delay sa paglalabas ng pondo, kinakailangan mag-issue ang COA ng Certificate of Pre-Audit sa loob ng 15 araw mula sa araw na natanggap ang dokumento.










