-- Advertisements --
image 459

Binabantayan na ng Philippine Ports Authority ang mga pangunahing pwerto o pantalan, kasabay ng pagsisimula ng pasukan sa susunod na linggo.

Ayon kay PPA General Manager Jay Santiago, lahat ng mga pantalan sa buong Pilipinas ay una nang naghanda para sa inaasahang pagdagsa ng maraming mga pasahero, katuwang ang Port Police, Philippine Coast Guard, at maritime Industry Authority,

Mayroon namang ilang pangunahing pantalan na kanilang binabantayan dahil sa pagsisimula nang pagdagsa ng maraming pasahero.

Kinabibilangan ito ng mga pasaherong nagsimula nang umuwi pabalik sa kani-kanilang mga probinsya mula sa kanilang pagbabakasyon.

Sa kasalukuyan, naitala na rin ang labis na pagtaas sa bilang ng mga pasahero sa ilang mga pantalan.

Kinabibilangan ito ng mga pwerto sa Panay, Guimaras, Batangas, at Bicol Region.