Tumaas sa 22.9% ang National Capital Region (NCR) COVID-19 positivity rate ngunit ang pagtaas ng trend ay bumabagal, ayon sa OCTA Research Group.
Ayon kay OCTA fellow na si Dr. Guido David, ang pitong araw na positivity rate sa rehiyon ay tumaas ng 5.1% mula noong huling naitala ito sa 17.8 %.
Aniya, ang pagtaas ng trend ay bumabagal, at ang peak ay maaaring mangyari sa loob ng susunod na linggo o higit pa.
Ang positivity rate ay maaari ring sumipa pa s 25% na marka.
Dagdag dito, may kabuuang 1,545 na kaso din ang naiulat ng Department of Health (DOH) kaya umabot na sa 12,161 active cases ang naitatala sa Pilipinas.
May kabuuang 792 recoveries at zero deaths din ang naitala ayon sa pinakahuling ulat ng nasabing departamento.
Nauna nang iniulat ng DOH, na ang mga pang-araw-araw na numero ng impeksyon mula Mayo 1 hanggang 7 ay doble na sa kanilang inaasahang saklaw na 289 hanggang 611 araw-araw na impeksyon.