-- Advertisements --

NAGA CITY- Umabot na sa 17 positive cases sa coronavirus disease (Covid-19) ang naitala sa Bicol Region.

Ito ay matapos na muling maglabas ng magpahayag ang Department of Health(DOH-Bicol).

Sa datos ng DOH-Bicol napag-alaman na isang 31-anyos na babae mula sa probinsya ng Albay ang bagong nagpositibo.

Ayon dito mayroon umano itong exposure sa mga unang nagpositibo sa nasabing sakit ang pasyente.

Sa ngayon,nasa pangangalaga na ito sa isa sa mga local health facility sa probinsya at kasalukuayn nasa stable na condition.

Samantala, muli namang nakapagtala ng panibagong recovery ng nasabing sakit sa rehiyon, ito ay ang pasyente na mayroong local code na Bicol#6, 60-anyos na babae mula sa Camarines Sur.

Kung saan ito ang ika 10th recovery sa boong Bicol Region.