-- Advertisements --
image 290

Naniniwala ang isang infectious disease expert na hindi lalagpas sa 5000 kada araw ang maitatalang kaso ng panibagong Omicron subvariant BQ.1 sa bansa.

Ayon kay Dr. Edsel Salvana bagamat inaasahang sisipa ang kaso ng covid-19 bunsod ng pagkakadetect ng BQ.1 na isang sublineage ng mas nakakahawang Omicron BA.5 subvariant ay karamihan naman aniya sa mga bagong kaso ay inaasahang magiging mild lamang at hindi kailangang maadmit sa ospital kung ito ay fully vaccinted na at nakatanggap ng kanilang booster shots.

Una ng iniulat noong nakalipas na linggo ng Department of Health (DOH) na nasa 14 na kaso ng BQ.1 ang nadetect sa bansa base sa latest genome sequencing ng UP-Philippine Genome Center Research Institute for Tropical Medicine at San Lazaro Hospital mula noong October 28 hanggang November 18.

Ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na ang BQ.1 ay mas nakakahawa at highly immune evasive kumpara sa ibang Omicron subvariants.

Subalit sinabi naman ni Dr. Salvana na sa ngayon ay walang ebidensiya na nagpapatunay na ang BQ.1 ay isang malalang uri ng Omicron subvariant.

Sa kabila nito, binigyang diin ni Dr. Salvana na nananatiling epektibo ang mga bakuna para malabanan ang severe diseases dala ng covid-19 infections.