CEBU CITY – Nagpaliwanag ang Cebu Provincial Veterinary Office matapos magpatupad ng ban sa pagpasok ng meat products at baboy sa lalawigan.
Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni provincial veterinary Dr. Mary Rose Vincoy na mga produkto at baboy mula Bulacan at Rizal lang ang sakop ng naturang ban.
Ito’y matapos mabatid na mula sa naturang mga lalawigan naitala ang unang kaso ng African Swine fever (ASF).
Sa ngayon mahigpit daw ang pagpapatupad ng lalawigan sa kautusan matapos maglatag ng requirement sa pagpasok ng karne at produktong baboy.
Kabilang na ang documentary requirements gaya ng livestock handler permit, farm registration, at transport carrier na rehistrado ng Food and Drugs Administration.
Batay sa datos ng provincial veterinary office, nasa 11-bilyon ang katumbas ng buong hog industry sa Cebu.