-- Advertisements --
Muling ipinaalala ni Pope Leo XIV na dapat ay matigil na ang giyera ng Israel at Hamas ganun din ang labanan sa Russia at Ukraine.
Sa kaniyang mensahe sa pagtatapos ng Mass for the Jubilee of Youth sa Vatican, inalala niya ang mga kabataan na dumaranas ng hirap sa dahil sa kaguluhan sa nasabing mga bansa.
Nanawagan ito sa ilang milyong kabataan na dumalo sa misa na ipagdasal ang mga mamamayan na dumaranas ng kaguluhan.
Inimbitahan din ito ang mananampalataya na dumalo sa World Youth Day na gaganapin sa Seoul, South Korea mula Agosto 3 hanggagn 8 sa taong 2027.