Pinangunahan ni Pope Leo XIV ang tradisyunal na paghuhugas ng paa ng 12 pari noong Huwebes Santo bilang bahagi ng ritwal bago ang Easter, na sumisimbolo sa kababaang-loob at paglilingkod na ipinakita ni Hesus bago ang kanyang kamatayan.
Sa kanyang mensahe, hinikayat ng Santo Papa ang mga Katoliko na tumulong sa mga nangangailangan at makiisa sa mga inaapi.
“As humanity is brought to its knees by so many acts of brutality, let us too kneel down as brothers and sisters alongside the oppressed,” aniya.
Isa-isang hinugasan, pinunasan, at hinalikan ng Papa ang paa ng 12 pari bilang bahagi ng seremonya. Inalarawan din ng Santo Papa ang halimbawa ng Diyos ay hindi tungkol sa kapangyarihan kundi sa pagpapalaya.
Isinagawa ang ritwal sa Basilica of St. John Lateran sa Roma, ang Cathedral church ng mga Pope. Ito ay naiiba sa nakasanayan ng yumaong si Pope Francis, na mas pinipiling gawin ang seremonya sa mga bilangguan, tahanan ng matatanda, at hospice bilang simbolo ng paglilingkod sa mga nasa laylayan ng lipunan.
Si Pope Leo, na naging kauna-unahang Pope mula sa Estados Unidos noong nakaraang Mayo, 2025 ang nanguna sa seremonya ng Huwebes Santo, ang unang araw ng mga pagdiriwang bago ang Easter Sunday.
Ayon sa Vatican, pinili ng Santo Papa na hugasan ang paa ng mga pari ngayong taon bilang pagpapakita ng suporta sa kanila, lalo na’t marami sa kanila ang may mabibigat na tungkulin at humahawak ng higit sa isang parokya.
Inialay rin ni Pope Leo ang kanyang prayer intention para sa buwan ng Abril para sa mga pari, at hinikayat ang mga Katoliko sa buong mundo na ipagdasal ang kanilang kalakasan at kapakanan.














