-- Advertisements --

Binigyang-diin ni Pope Leo XIV na hindi siya isang politiko at wala siyang intensyon na makipag-debate sa sinuman, kabilang ang administrasyong Trump.

Ginawa ito ng Catholic pontiff sa kanyang pagharap sa mga mamamahayag habang sakay ng papal plane patungong Algeria nitong Lunes.

Ayon kay Pope Leo, “I think that the people who read will be able to draw their own conclusions: I am not a politician, I have no intention of entering into a debate with him. Rather, let us always seek peace and put an end to wars.”

Dagdag pa niya, ang kanyang misyon ay ipahayag ang Gospel at hindi ang makisangkot sa politika.

Binanggit din niya na hindi dapat abusuhin ang mensahe ng Gospel at patuloy siyang magsasalita laban sa digmaan upang isulong ang kapayapaan at multilateral dialogue sa pagitan ng mga estado.

“The message of the Church is the message of the Gospel, blessed are the peacemakers; I do not see my role as that of a politician,” ani Pope Leo XIV, na nagbigay-diin na masyadong maraming tao ang nagdurusa sa mundo.

Ang pahayag na ito ay nakikita bilang pagpapatibay ng paninindigan ng Simbahang Katolika na manatiling nakatuon sa kapayapaan at hustisya, sa halip na makisangkot sa mga alitan ng politika.