-- Advertisements --

Itinanggi ni Pope Francis na ito ay magbibitiw sa puwesto.

Kasunod ito sa lumabas na usapin na ito ay magreretiro dahil sa sakit na dinaranas.

Ayon sa 85-anyos na Argentian Pope na ni minsan ay hindi pumasok sa kaniyang isip ang nasabing pagbaba sa puwesto.

Hindi aniya matutulad sa desisyon noon ng sinundan na si Pope Benedict XVI na bumaba sa puwesto.

Nakitaan kasi ng bahagyang bali sa kaniyang tuhod na ginamot sa pamamagitan ng laser at magnet therapy.

Magugunitang dahil sa pananakit nito sa tuhod ay nakansela ang ilang pagbisita nito sa iba’t-ibang mga bansa.