-- Advertisements --
Screenshot 2021 03 13 12 07 44

CEBU CITY – Nahaharap sa kasong robbery extortion at kasong administratiba ang Chief Intelligence Officer ng Carmen Police Station matapos itong naaresto sa isinagawang entrapment operation ng Integrity Monitoring Group Visayas Field Unit (IMEG-VFU) sa bayan ng Carmen Cebu.

Ayon kay Police Maj. Alejandro Batobalonos ang hepe ng IMEG-VFU, inireklamo si Police Executive Master Sergeant Julius Medara Obañana ng mga biktima na di umano ay nangungutong kapalit ng motorsiklo na unang na-impound dahil isa itong ebedensiya sa ginawang buy-bust operation noong buwan ng Pebrero.

Screenshot 2021 03 13 12 07 26

Sa impormasyon ng otoridad, hindi umano sinali ni Obañana sa mga ebedensiya na nakuha sa isang supek ang motorsiklo at kalaunan ay nais sanang i-claim ng mga magulang ng suspek ngunit sinabi umano ng pulis na kailangang magbigay muna ang mga ito ng P3,000 bago nito i-turn over ang sasakyan.

Kaugnay nito humingi ng tulong ang mga biktima sa otoridad at doon isinagawa ang entrapment operation laban sa pulis.

Napag-alaman na hindi umano ito ang unang beses na nasangkot sa katiwalian si Obañana dahil may mga reklamo na rin laban nito noong nadestino pa ito sa Tuburan Police Station.