Sa kulungan ang bagsak ng isang regional level high-value individual na lalaki matapos ang isinagawang buybust operation noong Sabado ng gabi, Oktubre 8, sa Brgy. Dumlog lungsod ng Talisay.
Nakilala ang naaresto na si Raymund Jonatas Camacho, 33 anyos.
Nakumpiska mula sa posisyon nito ang 110 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P748,000, isang .45 pistol at isang magazine na may limang bala.
Itinuturing pa ng pulisya na isang si Camacho.
Bumuo pa umano ito ng sariling grupo ng mga sibilyan na nagpanggap na mga operatiba ng pulisya para salakayin ang mga drug personality at magnakaw ng droga, pera at motorsiklo at i-recycle o ibenta ang mga ito.
Maliban pa, makapagdispose ang binuong grupo nito ng 150 gramo kada linggo at ang kanilang contact ay mula sa isang preso ng Cebu City Jail.
Kasalukuyan ngayong nakadetain ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 at R.A. 10591 o Illegal Possession of Firearm.