-- Advertisements --

Pumanaw na ang frontman ng bandang Pogues na si Shane MacGowan sa edad na 65.

Kinumpirma ito ng kaniyang asawa na si Mary Clarke, na labas-pasok na ito sa pagamutan noong mga nagdaang buwan matapos na ma-diagnosed ng encephalitis.

Inamin ng kaniyang asawa na nagkaroon ito ng problema sa labis na paggamit ng iligal na droga at pag-inom na alak.

Sumikat ang banda noong dekada 80 kung saan ilan sa mga sikat na kanta ng mga ito ay ang “Fairytale of New York” at “A Pair of Brown Eyes”.

Nagpaabot naman ng kanilang pakikiramay ang fans ng banda ng mabalitaan ang pagpanaw ni MacGowan.