-- Advertisements --
Nagsumite na ng kaniyang counter affidavit si Gwyneth Anne Chua na binansagang Poblacion Girl.
Sa nasabing salaysay, inilahad ni Chua ang kaniyang version ng kwento ukol sa mga pinuntahang okasyon noong disyembre, kahit ito ay dapat na nasa quarantine hotel.
Matatandaang kinasuhan sina Chua, magulang nito, boyfriend at limang staff ng Berjaya hotel sa Makati City.
Nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act.
Ang Berjaya naman ay pansamantalang ipinasara ng DOT at LGU, bilang parusa sa kapabayaan nang lumabas ang kanilang occupant.