-- Advertisements --
SEN WIN GATCHALIAN

Iginiit ni Senador Sherwin Gatchalian na suportado ng Philippine National Police (PNP) ang pagpapatalsik sa mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa bansa kaya kinakailangan nang tugunan ito ng gobyerno.

Sa naging pagdinig ng Senado sa panukalang pondo ng Department of Interior and Local Government (DILG) at mga attached agencies nito, ipinahayag ni PNP Chief Gen. Benjamin Acorda ang kanyang suporta sa pagwawakas ng POGO operations sa bansa.

Ayon sa datos ng PNP, may kabuuang 4,039 na biktima sa 4 na POGO-related crimes sa unang anim na buwan ng taon.

Kung ihahambing ito sa datos noong 2022, aniya, mayroon lamang 128 na biktima sa 39 na naiulat na krimen.

Ayon kay Acorda, pinaigting ng PNP ang kanilang capacity-building efforts upang labanan ang tumataas na aktibidad ng cybercrime na nauugnay sa mga POGO.

Iginigiit ng Senador ang pagpapatalsik sa mga POGO operators sa bansa kasunod ng tumataas na bilang ng mga krimen na nauugnay sa industriya kabilang ang human trafficking, forcible abduction, homicide, illegal detention, kidnapping-for-ransom, pagnanakaw, robbery-extortion, serious physical injuries, swindling, grave coercion, investment scam, cryptocurrency scam, at love scam.

Top