-- Advertisements --

ILOILO CITY – Iniimbestigahan na ng Police Regional Office 6 ang pangyayari kung saan na-wow mali ang Zarraga Police Station sa Iloilo sa pagdakip sa isang suspek sa kasong murder.

Ang suspek sa krimen ay si CRIS S. PARCIA kung saan naugnay ito sa pagpatay noong Mayo 30, 2002 sa Barangay Jalaud Norte, Zarraga Iloilo.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Lt. Col. Arnel Solis, spokesperson ng Police Regional Office 6, sinabi nito na tumulak sa Murcia, Negros Occidental ang mga pulis sa Zarraga PNP upang arestuhin ang isang lalaki na nagngangalan CHRIS L. PARCIA.

Nang inharap sa witness, nilinaw nito na maling tao ang kanilang naaresto at pareho lang ang PRONUNCIATION’ ng kanilang pangalan.

Kaagad namang hiningan ng paliwanag ni Iloilo Police Provincial Office (IPPO) Director Police Col. Adrian Acollador ang hepe ng Zarraga Police Station na si Police Major Aldrin Lamera sa pangyayari

Kaagad namang ipinag-utos ng Korte na palayain ang naaresto at pinauwi sa Negros Occidental na hindi man lang binigyan ng pamasahe ng mga pulis.