DANAO CITY -Nagpapatuloy pa ngayon ang imbestigasyon ng mga otoridad at inaalam pa kung aksidente o may foul play sa nangyaring pagkamatay ng isang aspiring teacher na natagpuang wala nang buhay sa Brgy. Manghilao, Masaba sa lungsod ng Danao Cebu.
Kinumpirma ng Danao City police na nakabinbin pa sa PNP Regional Field Unit 7 ang autopsy report sa bangkay ni Maria Sofia Olaguir .
Base sa inisyal na ulat ng pulisya, umalis ito alas 6 ng umaga noong Setymebre 30, para magsindi ng kandila at mag-alay ng dasal sa malaking cross ng nabanggit na lugar dahil malapit na rin sana ang pagkuha nito ng Licensure Examination for Teachers(LET).
Ayon pa, nakita pa umano ang presensya nito sa isang video na may mga kasama ito sa lugar.
Pasado alas 9 ng umaga ng nakapagdesisyon itong bumaba na at pinigilan pa ng mga kasamahan na sasabay na lang sa mga ito lalo pa’t masama ang lagay ng panahon.
Mula noon ay missing na si Olaguir at natagpuan nalang itong wala nang buhay dakong 12:50 am noong Oktubre 2 na nakasuot pa rin ng hoodie jacket.
Nilinaw naman ng pulisya na hindi ito isinilid ng sako nang natagpuan.
Inaalam pa ngayon kung aksidente itong nahulog o may foul play ba ang nagngyaring pagkamatay.