Muling nagpatupad ng panibagong balasahan ang Philippine National Police (PNP) sa kanilang hanay.
Apat na Heneral ang apektado sa rigidon na inilipat sa iba’t ibang pwesto.
Si Police M/Gen. Dionardo Carlos na director ng Directorate for Information and Communications Technology Management (DICTM) ay inilipat para manguna sa Directorate for Police Community Relations (DPCR).
Si Police M/Gen. Joselito Manalad Vera Cruz na nakatalaga sa Directorate for Integrated Police Operations ng Western Mindanao ay papalit sa pwesto ni Carlos bilang hepe ng DICTM.
Si Police B/Gen. Alfred Corpus na Regional Director ng Police Regional Office 12 ay inilipat sa DIPO Western Mindanao.
Habang si Police B/Gen. Michael John Dubria na hepe ng Civil Security Group ay magiging Regional Director na ng PRO 12.
Ang balasahan ay epektibo ngayong araw May 20,2020.