-- Advertisements --

Aminado ang Philippine National Police (PNP) na hindi nagtutugma ang kanilang crowd estimate sa mga organizer ng campaign rally.

Ayon kay PNP Chief Police General Dionardo Carlos, may ginagamit na ibang guidelines o formula ang PNP sa bilang ng mga tao sa mga venue.

Paliwanag ni Carlos, 2 persons per square meter ang kanilang ginagamit na basehan sa pagbibigay ng crowd estimate at ito ang kanilang nilalagay sa mga report.

Kasunod nito, muling iginiit ni Carlos na walang kinikilingan o pinapanigan ang mga pulis sa halalan.

Mahigpit ang bilin nito sa mga kapulisan na manatiling neutral sa lahat ng panahon.

Hindi rin umano sila makikisawsaw sa anumang isyu dahil ang mandato nila ay ang pagbibigay ng seguridad at pagpaputupad ng kaayusan.