-- Advertisements --

ILOILO CITY – Kinumpirma ng pulisya na sa loob ng New Biblibid Prison sa Muntinlupa City nangyayari ang transaskyon ng illegal na droga sa Western Visayas.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Pol. Lt. Col. Mark Anthony Darroca, chief ng Regional Police Drug Enforcement Unit (RPDEU) Region 6, sinabi nito na lumabas sa kanilang imbestigasyon na lahat ng mga durugista sa Western Visayas ay may contact sa drug personality na si Jovern Abantao alyas Jovan nga siyang lider ng Abantao Drug Group at residente ng Barangay Calaparan, Arevalo, Iloilo City.

Si Abantao ay tauhan ng pinaslang na druglord sa Western Visayas na si Melvin “Boyet” Odicta Sr.

Ayon kay Darroca, lahat ng mga high value target drug personality sa rehiyon ay halos may kaugnayan ay Abantao kung saan ang iba sa mga ito ay kanyang nakasama sa New Biblibid Prison.

Anya ang mga bodega ng illegal na droga ay nasa labas at loob mismo ng Metro Manila at dito kumukuha ng supplay ang mga durugista sa Western Visayas.

Sa ngayon anya, may tatlong drug group sa Negros Occidental na kanilang tinututukan.