-- Advertisements --

Lumabas na ang resulta ng DNA test sa natagpuang mga kalansay sa may Puerto Princesa City sa Palawan.

Nakumpirma sa isinagawang DNA examination ng PNP forensic group na kay Jovelyn Galleno, 22 anyos na napaulat na nawawala noon pang August 5 ang natagpuang kalansay sa Barangay Santa Lourdes, Puerto Princesa noong August 23

Ayon kay Puerto Princesa Police spokesperson Police Captain Maria Victoria Iquin, 99.9% na tugma ang skeletal remains at swab sample na ibinigay ng ina ni jovelyn.

Maaalala na natagpuan din sa mga nadiskubreng kalansay ang identification card ni Jovelyn, bag at ibang gamit ng dalaga.

Kamakailan, inamin din ng pinsan ng biktima na si Jobert ang suspek sa panghahalay at pagpatay kay jovelyn.

Top