-- Advertisements --

Sisimulan na ng PNP ang paghahanda para sa seguridad ng inaugurasyon ni President-elect Bong Bong Marcos at Vice-President Elect Sara Duterte.

Ito ang inihayag ni PNP Director for Operations PMaj. General Valeriano De Leon kasabay ng pagsabi na naging “Organized, tahimik at mahusay ang pagka-plano sa canvassing at proclamation” kahapon sa House of Representatives sa Quezon City.

Sa kabila aniya ng pagkakaroon ng insidente sa pagitan ng mga pulis at mga nagpoprotesta, maaga itong na-resolba at nasunod ang mga security preparations.

Binuweltahan naman ni De Leon ang alegasyon ng mga protest organizers na “exaggerated” ang deployment ng mga pulis sa rally sa CHR Compound kahapon.

Giit ni De Leon, wala aniyang “exaggerated” sa pagdeploy ng mga pulis dahil kung kulang naman ay pulis din ang masisisi kapag may mangyaring hindi inaasahan.