Mismong si PNP (Philippine National Police) chief Gen. Dionardo Carlos ang nanguna sa isinagawang relief operations na tinawag na “Christmas Drop 2021” sa Region 8 kahapon, December 25 o ang araw ng Pasko.
Tinungo ng grupo ng PNP chief ang mga kababayang labis na naapektuhan ng Bagyong Odette sa bayan ng Limasawa, San Francisco at Maasin City.
Gamit ang PNP choppers, namahagi ito ng tulong para sa mga residente sa nasabing bayan sa Southern Leyte
“We are conducting operations Christmas Drop 2021 for the victims of TS Odette”. This operation will run simultaneously until December 31, 2021 in all areas affected by TS Odette, and to to immediately operationalize the instuctions of PRRD in Cebu last December 23, 2021,” mensahe pa ni Gen. Carlos.
Patuloy din ang pagtulong ng PNP sa mga lugar na nasalanta dahil sa hagupit ng bagyo kasabay ng pagtiyak na mabibigyan din ng tulong ang kanilang mga tauhan na biktima rin ni “Odette.”