-- Advertisements --

PNPbato2
PNP TDCA, PLt.Gen. Joselito Vera Cruz

Ikinatuwa ng pamunuan ng PNP Administrative Support for Covid-19 Task Force ang patuloy na pagbaba ng Covid-19 cases sa kanilang organisasyon.


Ngayong araw, February 13,2022, nakapagtala ang PNP Health Service ng walong bagong kaso.

Sa ngayon nasa 265 ang total active cases sa PNP, habang ang fatalities ay sumampa na sa 128.

Nasa 29 naman ang naitalang bagong recoveries.

Ayon kay PNP Deputy Chief for Administration (TDCA) at ASCOTF Commander PLt.Gen. Joselito Vera Cruz, malaking tulong sa pagbaba ng Covid-19 cases sa kanilang hanay ang striktong pagsunod sa Minimum Public Health Standard (MPHS) at ang patuloy na pagbabakuna sa PNP.

” Yes Anne. We are glad about the steep down trend in our covid cases. Hopefully, with the strict observance of MPHS and increase in vaccination of our personnel, our situation will continuously improve in the coming days and months. Yun din naman ang current situation sa general population,” mensahe ni PLt.Gen. Vera Cruz sa Bombo Radyo.

Sa ngayon, nasa 47.77% o 104,845 PNP personnel ang nabigyan na ng booster shot.

Sa datos ng PNP Health Service nasa 2.04% o 4,595 na lamang ang naghihintay ng kanilang second dose at nasa 0.36% o 800 ang hindi pa bakunado o may vaccine hesitancy kung saan 406 dito ang may valid reason habang 394 ang walang valid reason.

” On vaccination, more than 50% naman sa mga unvaccinated namin ay may mga valid reasons. Hopefully those without valid reasons will decide to take the jab as soon as possible especially yung mayroong comorbidities because we really cannot underestimate the virus with the recent addition of 3 covid casualties in our ranks brought about by the latest surge in cases caused by the Omicron strain,” dagdag pa ni PLt.Gen. Vera Cruz.


Patuloy naman na hinihimok ng pamunuan ng PNP ang kanilang mga personnel na hindi pa nababakunahan laban sa Covid-19 na magpaturok na ng vaccine ng sa gayon magkaroon ng dagdag na proteksiyon laban sa nakamamatay na virus.