Nagpaabot ng pasasalamat si Pangulong Rodrigo Duterte sa papel na ginagampanan ng mga pulis sa nagpapatuloy na laban ng Pilipinas sa COVID-19 pandemic.
Sentro ito ng mensahe ni Pangulong Duterte sa ika-119 anibersaryo ng Philippine National Police (PNP).
Hiniling naman ni Pangulong Duterte sa mga pulis na tiyaking mananatiling matatag ang kanilang hanay sa gitna ng pandemic sa pamamagitan ng paga-adopt ng mga protective protocols.
Tiniyak din ni Pangulong Duterte na kinikilala ng bansa ang kontribusyon ng pulisya sa kampanya ng administrasyon laban sa iligal na droga, krimen at terorismo.
Magsilbi umano sanang inspirasyon ang achievements ng mga ito para patuloy na maglingkod ng marangal at patas.
“Be assured of our nation’s gratitude for your significant contributions to our campaign against illegal drugs, criminality and terrorism. I likewise extend our appreciation for your selfless service as frontliners in our fight against COVID-19 pandemic. I ask you to ensure that the PNP will remain pandemic-resilient by adopting protective protocols in the new normal,” ani Pangulong Duterte.















