-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Nasa maayos na kondisyon na raw ang mga kadete ng Philippine Military Academy (PMA) na na-ospital matapos lumantad bilang mga biktima umano ng hazing.

Pero ayon kay PMA commandant of cadets B/Gen. Romero Brawner Jr., hindi lahat ng naka-confine sa V. Luna General Hospital at PMA Station Hospital ay pinaniniwalaang biktima ng hazing.

Sa ngayon nagpapatuloy pa rin daw ang physical examination ng mga plebo, batay na rin sa utos ni Defense Sec. Delfin Lorenzana.

Ito’y kasunod ng pagkamatay umano sa hazing ni Cadet 4th Class Darwin Dormitorio.

Ani Lorenzana, tiyak na matutukoy sa eksaminasyon kung sino sa mga kadete ang may marka ng pang-aabuso.

Nangako naman ang kalihim ng agarang imbestigasyon sakaling magpositibo sa maltreatment ang mga kadete.