-- Advertisements --

Suspendido sa nalalabing bahagi ng linggong ito ang plenary sessions ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa harap ng nagpapatuloy na surge sa COVID-19 cases sa Metro Manila, ayon kay Speaker Lord Allan Velasco.

Ito ay paraan na rin aniya upang sa gayon makatulong sa pag-control sa mabilis na pagkalat ng COVID-19, na nakaapekto o tumama na rin sa ilang mga mambabatas at empleyado ng Kamara na aabo na sa 70 ang bilang mula nang magbagong taon.

Sa kabila nito, tinitiyak ni Velasco na patuloy nilang gagampanan ang kanilang constitutional duty habang kinakailangang limitahan ang kanilang pagkilos para sa mas ligtas na environment sa mga miyembro ng Kamara at maging sa mga empleyado na rin.

Kahapon, Enero 17, nang magbalik-sesyon ang mga kongresista, kung saan kabuuang 19 na panukalang batas ang naaprunahan, kabilang na ang ayuda para sa higher education, karagdagang benepisyo para sa mga senior citizens, rural financial inclusion, at tax cut para sa live entertainment industry.

Pinagtibay din kahapon ang bicameral conference committee report sa proposed Electric Vehicle Industry Act.

Sa darating na Enero 24 na magbabalik sa kanilang plenary session ang mga kongresista