-- Advertisements --
download 3 1

Nalasap ng Detroit Pistons ang ika-anim na pagkatalo sa kamay ng Golden State Warriors, 120 – 109.

Ito ay dahil na rin sa 34-pt performance ni Stephen Curry, kasama ang apat na assists.

Nagpakitang gilas din ng husto ang bench ng Warriors sa pangunguna ni Chris Paul na kumamada ng 17 points 6 assists, 12 points kay Dario Saric at 10 points kay Jonathan Kuminga.

Kapwa nagbuhos ng tig-21 points sina Cade Cuningham at Killian Hayes sa panig ng Pistons, habang 17 points, 11 rebounds ang naging kontribusyon ni Isaiah Stewart.

Nagawa ng dalawang team na magpasok ng shots gamit ang tig – 47% na field goal percentage.

Gayonpaman, naging mas maganda ang tira ng Pistons sa 3-pt line gamit ang 43.3% kontra sa 29.3% lamang Warriors.

Maging sa Free throw ay naging mas maganda ang percentage dito ng Pistons kung saan 20 ang naipasok mula sa 21 attemps habang 16 lamang ang nagawa ng GS mula sa 21 din na attempts.

Sa kabila nito, naging mas aggresibo ang GS sa depensa matapos agawain ang 17 offensive rebounds kontra sa pitong nakuha lamang ng Piston.s

Sinamantala ng Golden State ng husto ang paint matapos magbuhos dito ng 52 points habang 32 points lamang ang nagawa ng Pistons.

Top