-- Advertisements --
IMG 20200819 184726

Papalo na sa P24 million ang inisyal na damage sa imprastraktura ang naitala ng Deparment of Public Works and Highways (DPWH) dulot ng malakas na lindol sa Masbate kahapon.

Ayon kay DPWH Sec. Mark Villar, ang pinsalang nasa P23.96 million na ang halaga ay kinabibilangan ng mga national roads, tulay at iba pang imprastraktura sa Bicol Region.

Ito araw ang lumabas sa post-earthquake assessment ng DPWH teams na idineploy kaagad matapos tumama ang 6.6 magnitude na lindol kahapon na may lalim lamang na isang kilometro.

Lumalabas sa monitoring report ng DPWH Bureau of Maintenance (DPWH-BOM) na ang partial cost of damages sa mga kalsada ay P5.64 million; tulay, P8.96 million at public buildings, P9.35 million

Base naman sa August 19, 2020 monitoring report ng DPWH-BOM, bagamat passable naman ang lahat ng national roads at tulay sa Masbate Island ay lumalabas na ilang section ng Masbate-Cataingan-Placer Road ang na-damage.

Maging ang expansion joint ng Gahit Bridge sa Cataingan, slope protection ng abutments ng Nipa Bridge at expansion joint ng Nabangig Bridge na parehong nasa Palanas, girder ng Pinangapugan Bridge, pile cap (jacketing) at slope protection ng Impapanan Bridge at ang girder ng Marcella Bridge sa bayan ng Uson ay nasira rin.

Naitala rin ang damage ng road pavement sa Uson, Palanas, Cataingan at Placer.

Ang section ng Cataingan-Poblacion Road sa Barangay Poblacion, Cataingan, Masbate ay nagtamo rin ng damage sa box culvert.

Sa Camarines Sur, base pa rin sa assestment ng DPWH team nagkaroon naman ng minor damage sa bank protection ng Panganiban Bridge sa Barangay Nierva, Nabua town.

Dahil dito, nag-install na ang DPWH ng road warning signs at safety devices sa mga apektadong sections para maging guide ng mga motorista.

Inireport din ng DPWH-BOM ang damage sa public buildings at ports kaya ng walls, partitions, tiles at glass door ng DPWH Masbate 3rd District Engineering Office Building in Balocawe, Dimasalang; damage sa columns, walls at partitions of Palanas Police Station Building in Poblacion, Palanas; damage sa roofing at firewall ng Inocencio Central School Building sa Villa-Inonencio, Placer; Cataingan Public Market at Cataingan Port in Poblacion, Cataingan at Dimasalang Port sa Poblacion, Dimasalang town.