Nagbabala si Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno na makaranas ng short term na upward trend sa inflation ng bansa ngayong taon.
Ito ay dahil na rin sa lawak nang pinsalang iniwan nang pananalasa ng Bagyong Odette sa Visayas at Mindanao noong Disyembre 2021.
Sa kanyang Twitter account, sinabi ni Diokno katulad sa mga nagdaang mga bagyo, kailangan mapanatili ang epektibong implementasyon ng non-monetary government intervention measures.
Ito ay para matiyak na rin ang pagkakaroon ng sapat na domestic food supply upang sa gayon ay maiwasan ang potential supply-side pressures sa inflation.
Ngayong araw, inanunsyo ng Philippine Statistics Authority (PSA) na ang average inflation rate noong 2021 ay 4.5 percent, na mas mataas kumpara sa 2.6 percent noong 2020 at lagpas din sa target ng gobyerno na 2 percent hanggang 4 percent.
Nabatid na ito rin ang siyang pinakamataas na datos sa nakalipas na tatong taon mula nang maitala ang 5.2 percent noong 2018.
Bagama’t nag-decelerate o bumagal kasi ang galaw ng presyo ng karne, partikular na sa baboy, sa mga nakalipas na buwan, ay ito pa rin ang soiyang nakikitang pinakamalaking contributor ng PSA sa 2021 average inflation.










