-- Advertisements --

Nagpahayag ng excitement si Direk Antonette Jadaone para sa nakatakdang global debut ng kanyang pelikula sa huling araw ng Oktubre.

Bida sa pelikulang “Fan Girl” sina Paulo Avelino at Charlie Dizon.

“The lone Filipino film in Tokyo Premiere 2020 section. After years of script devt, finding the right cast, waiting for the right time, believing that everything happens for a reason, sa wakas. My heart is happy. Festival runs Oct 31 to Nov 8, 2020!” saad ni Direk Jadaone.

Patungkol ang nasabing pelikula sa isang obsessed teenage fan na ginagampanan ni Dizon na na-stuck ng isang gabi sa loob ng mansyon kasama ang kanyang celebrity idol sa katauhan naman ni Avelino.

Si Jadaone ay engaged na sa kapwa filmmaker nito at long-time boyfriend na si Dan Villegas.

Kilala ang wife to be ng (That Thing Called Tadhana) at groom to be (Exes Baggage) sa paggawa ng romantic-comedy at romantic-drama films na tadtad ng “hugot lines.”

Madalas silang mag-collaborate sa kanilang mga pelikula tulad ng Metro Manila Film Festival entries na “English Only, Please” noong 2014, at “Walang Forever” noong 2015 kung saan si Dan ang direktor at ang screenplay ay isinulat ni Antoinette.

Bago nagsimula ang love story, una silang nagkakilala sa gala night ng “Six Degrees of Separation from Lilia Cuntapay” noong 2011.